^

Metro

Pasahero hulog sa barko, nasagip – PPA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matagumpay na nailigtas ang isang pasahero na nahulog mula sa kanyang sinasak­yang barko na may rutang Batangas patungong Calapan kamakalawa.

Sa ulat ng Philippine Ports Authority (PPA), hindi na pinangalanan ang naturang pasahero na nahulog umano mula sa barko ng Montenegro Santa Brigida.

Ayon sa pinadalang report ng nasabing barko, natagpuan ng isang ma­ngingisda ang nasabing pasahero.

Agad rin naman umano itong naisalba ng mangingisda at naisakay pabalik sa nasabing sasakyang pandagat.

Mabilis ding itinawag ng PMO Mindoro sa Calapan City Safety Department ang nasabing pangyayari para sa karagdagang medical assistance.

Inialis din ng mga port police officers ang lahat ng harang at mga balakid sa rampang dadaungan ng barko upang dire-diretso ang pagpasok at paglabas ng ambulansya sa pantalan.

Pagdating sa pantalan, dinala agad ang naisalbang pasahero sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng karampatang lunas.

vuukle comment

BATANGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with