^

Metro

P20.4 milyong shabu nasabat sa NAIA, consignee timbog

Joy Cantos, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
P20.4 milyong shabu nasabat sa NAIA, consignee timbog
Nakumpiska ng Bureau of Customs at NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at PDEA ang 3-kilong shabu na nagkakahalaga ng P20.4 milyon na nakalagay sa mga Whey Protein packaging at nadakip ang consignee nito sa interdiction operation sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City nitong Lunes.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga awtoridad matapos na makasabat ng may P20.4 mil­yong halaga ng shabu at masakote ang consignee ng shipment ng illegal na droga sa ikinasang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) chief P/Brig. Gen. Dionisio Bartolome Jr., ang suspect na si Mohammad Bagatao alyas “Joseph Manasseh Acogido”, 51-anyos, na nahaharap sa kasong paglabag sa Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 Ayon kay Bartolome ang suspect ay nasakote sa interdiction operation na isinagawa ng Bureau of Customs at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Domestic Road, Pasay City bandang alas-5 ng hapon.

 Lingid sa kaalaman ng suspect ay tinututukan ng mga awtoridad ang namonitor na bulto ng shabu sa nasabing parcel para arestuhin ang consignee nito.

 Hindi na nakapalag ang suspect matapos dakmain ng mga operatiba habang kini-claim nito ang parcel na naglalaman ng P20.4 milyong halaga ng shabu.

Ang nasabing parcel ay padala ng isang alyas “Juan Angel” mula Vancouver Canada, na naka-consignee naman kay alyas Joseph Acogino ng Quezon City.

Nakumpiska mula sa suspect ang tatlong self-sealing transparent plastic pouch na may marking pa na naglalaman ng 3,000 gramo o 3-kilo ng shabu at tatlong magkakaibang IDs.

Itinurnover na ang mga operatiba ang suspect at ang nakumpiskang ebidensya mula dito sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with