^

Metro

3 suspek sa pagpatay sa Chinese, pagdukot sa mga Pinoy sa Alabang pinakakasuhan ng DOJ

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinakakasuhan na ng Department of Justice (DOJ) sa hukuman ang tatlong indibidwal na isinasangkot sa mga kaso ng pagpatay sa anim na Chinese nationals at pagdukot sa tatlong Pinoy sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City noong Oktubre 30, 2023.

Nabatid na ipinag-utos ni DOJ Secretary Jesus Crispin ‘Bo­ying’ Remulla ang pagsasampa ng kaso laban kina Edgar Abarca, Eduardo Abarca, at John Oliver Villanueva sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) matapos na makitaan ng probable cause ng DOJ panel of prosecutors. 

Sa resolusyong may petsang Pebrero 15, 2024, kabilang sa mga kasong isasampa laban sa mga suspek ay 4 counts ng kidnapping at serious illegal detention with homicide, 4 counts ng kidnapping at serious illegal detention, one count ng slight illegal detention at one count ng carnapping.

Mahigpit naman ang habilin ni Remulla sa prosekusyon na tiya­king malakas at airtight ang mga kaso laban sa mga suspek.

Anang DOJ, base sa reklamong inihain ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group Luzon Field Unit (PNP-AKG) noong Disyembre 29, 2023, ang tatlong Pinoy ay pinakawalan ng mga suspek sa Calauan, Laguna, isang araw matapos silang dukutin.

Inireport ng mga biktima ang insidente sa mga pulis, na nag­resulta sa serye ng operasyon.

Sinawimpalad naman na ang mga labi na lamang ng apat sa anim na Chinese nationals ang narekober, habang hindi pa rin natatagpuan ang mga labi ng dalawa pang biktimang dayuhan, hanggang sa kasalukuyan.

Matapos ang backtracking at pagrepaso sa available na CCTV footage, natunton naman ng mga pulis ang mga suspek, na kaagad na inaresto at sinampahan ng kaso.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with