^

Metro

Operasyon ng MRT-3, tuluy-tuloy ngayong holidays

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Operasyon ng MRT-3, tuluy-tuloy ngayong holidays
Passengers wait for rides at the North Avenue station of the Metro Rail Transit Line-3 in Quezon City July 3, 2023.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tiniyak ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na tuluy-tuloy ang kanilang operasyon sa darating na Pasko at Bagong Taon.

Sa abiso ng MRT-3 nitong Huwebes, inilabas nito ang kanilang Pasko Schedule 2023.

Nabatid na magpapatupad sila ng regular weekday schedule sa Dec. 15, 18-22, 26-29, 2023 at Enero 2-3, 2024.

Sa ilalim ng naturang schedule, ang first trip ng tren mula sa North Avenue Station, Quezon City ay aalis ng alas-4:30 ng umaga, habang alas-5:05 ng umaga naman mula sa Taft Avenue, Pasay City.

Samantala, ang last trip mula sa North Avenue ay aalis ng alas-9:30ng gabi, habang alas-10:09 ng gabi naman mula sa Taft Avenue.

Nabatid na weekend schedule naman ang gagamitin para sa Dec. 16, 23, at 30.

Sa ilalim ng naturang schedule, aalis ang first trip ng tren mula sa North Avenue ng alas-4:37 ng umaga habang 5:18 ng umaga naman sa Taft Avenue.

Ang last trip naman mula sa North Avenue ay alas-9:30 ng gabi habang 10:08 ng gabi mula sa Taft Avenue.

Regular Sunday schedule naman ang ­ipaiiral sa Dec. 17 sa alas-4:38 ng umaga na first trip mula sa North Avenue at alas-5:19 ng umaga sa Taft Avenue.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with