^

Metro

MPD, ‘all system’s go’ na sa holidays at Traslacion 2024

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MPD, �all system�s go� na sa holidays at Traslacion 2024
Members of the Philippines National Police (PNP) on July 20, 2023
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — “All system’s go” na ang Manila Police District (MPD) sa pagtiyak ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod sa pagsapit ng Christmas Season at sa pagdaraos ng Traslacion 2024.

Sa kanyang pagdalo sa “Balitaan” ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Harbor View Restaurant sa Ermita, Manila, kahapon, sinabi ni MPD Director PCOL Arnold Thomas Ibay, na nakalatag na ang kanilang mga planong ipapatupad para sa mga naturang aktibidad.

Ayon kay Ibay, plantsado na rin ang lahat para matiyak na maa­yos pati ang daloy ng trapiko sa mga lugar sa Maynila, na inaasahang dadagsain ng mga tao ngayong Kapaskuhan.

Kabilang dito ang Divisoria, Binondo at Quiapo, na itinuturing na shopping destinations sa holiday season.

Sinabi ni Ibay na base sa direktiba ni Manila Mayor Honey Lacuna, bagamat hindi maiiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko, ay dapat tiyakin nilang gu­magalaw ito.

Ipinag-utos din aniya ng alkalde na siguruhing walang nakakalat na mga illegal vendors sa mga pangunahing lansangan at mga kalsada.

Dagdag pa niya, dapat ding siguruhin ang police visibility upang mapigilang mambiktima ng mga sibilyan ang mga kriminal.

Magtatayo rin aniya sila ng mga help desks sa mga matataong lugar, gaya ng shopping malls, upang mag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

Maging ang mga checkpoints sa mga istratehikong lugar sa lungsod ay tuluy-tuloy rin aniya.

vuukle comment

MPD

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with