Fuel subsidy sa PUVs, target na ipamahagi ngayong Agosto - LTFRB
MANILA, Philippines — Target ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipamahagi ang fuel subsidy sa mga driver at operator ng mga public utility vehcicles (PUVs) o mga pampasaherong sasakyan bago matapos ang buwang ng Agosto.
Ayon kay Director Joel Bolano, hepe ng technical division ng LTFRB, oras na mai-download ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para rito ay agad ipatutupad ang distribusyon ng fuel subsidy.
Anya may P3 bilyon ang laan ng pamahalaan para sa fuel subsidy.
Ang pondo ay ilalagay sa call cards ng mga driver para makapagpakarga ng petrolyo sa mga piling gasolihan. Mayroong P10,000 ang laan sa bawat modern jeepney at UV Express unit at P6,500 sa driver ng traditional jeepneys.
Ang motorcycle taxis at delivery service riders ay bibigyan ng P1,200 sa kanilang e-wallet habang ang mga tricycle drivers ay bibigyan ng tig-P1,000 bawat isa na ipamamahagi sa mga LGU kung saan sila nakarehistro.
- Latest