^

Metro

Kelot itinumba sa loob ng bahay sa Tondo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang pasukin sa kaniyang bahay sa Tondo, Maynila at pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang salarin nitong kamakalawa ng mada­ling araw.

Kinilala ang nasawi na si Resty Saguringan, 41, ng Malaya Extension, Balut, Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:30 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa loob ng isang bahay sa may Riverside, Vitas, Katuparan, Tondo.

Ayon sa isang saksi, natutulog siya sa ikalawang palapag ng naturang bahay nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril. Nang bumaba sila, naabutan nila ang biktima na naliligo na sa sariling dugo.  Itinanggi naman nito na namukhaan niya ang mga salarin.

Ipinagbigay-alam nila ang insidente sa mga opisyal ng barangay na siyang humingi ng responde sa pulisya.  Blangko naman ang mga imbestigador sa motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with