^

Metro

Demolisyon nabalot ng tensyon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabalot ng tensyon ang implementasyon ng demolition order sa isang komunidad sa Quezon City kahapon matapos na tangkaing hadlangan ng mga residente na makapasok doon ang demolition team na gigiba sana sa kanilang mga tahanan.

Nabatid na binitbit ng mga apektadong residente ang isang poste ng ginibang basketball ring para iharang sa entrada ng kanilang lugar sa Geronimo St. sa Novaliches.

Layunin anila nitong mapigilan ang pagpasok ng demolition team sa lugar, na gigiba sa kanilang mga bahay dahil hindi sila magkasundo sa hinihiling nilang kondisyon.

Aminado naman ang mga residente na hindi nila pag-aari ang lupa na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan.

Anila, payag naman silang umalis ngunit hiling umano nila na mabigyan sila ng relokasyon at pera para makapagsimula muli.

Nabatid na tig-P5,000 ang unang alok sa mga residente ngunit malaunan ay dinagdagan ito at ginawang tig-P10,000.

May ilang residente na ang pumayag sa P10,000 upang makaiwas sa gulo.

Gayunman, may higit 60 pang residente ang ayaw pang umalis, kabilang si Teresita Baldano na tumatayong lider nila.

Giit ni Baldano, hindi sila tatanggap ng P10,000 dahil ang nais nila ay mabigyan sila ng relokasyon.

Anila pa, kulang ang P10,000 bilang pang-renta sa bagong tirahan.

Hindi rin naman umano papayag ang ilan sa kanila sa mala­yong lugar dahil sa pag-aaral ng mga anak.

Samantala, sinabi naman ni Carol Bulacan, assisting sheriff ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 84, na kakausapin ulit nila ang mga tumangging residente kapag natapos matulungan sa pagbabaklas ang mga pumayag.

 

 

DEMOLITION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with