^

Metro

120 sa 176 bangkay ng PDLs, inimbak sa punerarya, isasalang sa autopsy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang ilipat sa Phi­lippine General Hospital (PGH) ang nasa 120 mula sa 176 na mga bangkay ng persons deprieved of liberty (PDLs) na natuklasang nakaimbak sa iisang punerarya sa Muntinlupa.

Ito ang sinabi kahapon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla.
“Magmo-MOA kami ng PGH maybe tomorrow morning and ang MOA namin will be about tur­ning over 120 of these cadavers sa PGH for autopsy, for pathological examinations aalamin namin kung ano ang cause of death,” saad ni Remulla sa pana­yam ng media kahapon.
Magugunitang nadiskubre ang mga bangkay ng mga bilanggo na nasawi simula pa noong Dis­yembre ng nagdaang taon at nananatiling nakaimbak sa Eastern Funeral Homes sa Muntinlupa City .

Natuklasan ito nang isagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang unang autopsy sa bangkay ni Jun Villamor na sinasabing middleman sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid.

Sinabi pa ng kalihim na 120 lamang ang maipadadala sa PGH dahil sa ito lamang ang kapasidad ng ospital.

Unang magsasagawa ng imbestigasyon ang NBI sa naturang mga bangkay bago ipapasa nila sa PNP para magsagawa rin ng sarili nilang pagsusuri dahil isa rin itong “police matter”.
“Ang trabaho ng DOJ ngayon, the attached agencies is to locate the families of these people. Remember these are people, they are cadavers of people who have families ay subukan natin sila bigyan ng decent burial,” ayon pa kay Remulla.

Sinasabing kadalasang sa nabanggit na pune­rarya dinadala ang mga nasasawing preso sa Bilibid na karamihan sa mga ito ay sinasabing nasawi sa natural causes, malaiban na lamang kung ito ay nasawi dahil sa COVID.

vuukle comment

PDL

PGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with