^

Metro

Hiling ni Vhong Navarro na manatili sa NBI, ibinasura ng korte

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Hiling ni Vhong Navarro na manatili sa NBI, ibinasura ng korte
Actor and Tv host Vhong Navarro.
Pang-Masa / File

MANILA, Philippines — Ibinasura ng korte ang mosyon ng aktor/TV host na si Vhong Navarro na manatili siya sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kasong rape na kinaharap nito.

Una nang inihain ni  Atty. Alma Mallonga, abogado ni Navarro, ang isang urgent motion upang mapanatili sa kustodiya ng NBI ang aktor.

Binanggit ni Navarro sa kaniyang mosyon na haharapin niya ang mga kaso laban sa kaniya, at ang kaniyang pagsuko sa NBI ay bunsod ng lehitimong pangamba para sa kaniyang kaligtasan at sa kaniyang buhay habang matindi pa ang galit sa pagitan nila at ng nag-aakusa na si Deniece Cornejo at mga kaibigan nito.

Kasama sa kaniyang pleading na ang maybahay niya ay nakatanggap pa ang text message sa hindi kilalang cellphone number na nagsabing,  “Pasabi diyan sa asawa mong rapist Mr. Suabi, nag-aantay kami dito sa Taguig, paki bilisan”.

Giit ni Navarro na dapat seryosohin ang nasabing mensahe dahil si Cornejo at mga kaibigan nito ay nakulong sa Taguig Jail kaugnay sa pambubugbog sa kaniya at nakalaya lamang sa piyansa noong 2014. Posibleng nagkaroon ng koneksyon sa gang sa loob ng Taguig Jail ang kampo ni Cornejo.

Paliwanag naman ni Judge Loralie Cruz Datahan ng Taguig RTC Branch 69 sa pagbasura sa mosyon,  nabigong bigyang katwiran ang pangangailangan ni Navarro para patuloy na mapiit sa NBI. Bigo rin si Navarro na maglakip ng patunay sa sinasabing mensaheng SMS.

Bukod pa sa may mandato naman aniya, ang Taguig Jail na protektahan ang mga detainee.

Nabatid na naghain din ng manifesttaion with urgent motion to transfer detention si Atty. Howard Calleja, abugado ni Cornejo, para mailipat na sa Taguig Jail si Navarro mula sa NBI facility.

Nabatid na hindi pa nakatatanggap ang NBI ng commitment order mula sa korte para sa tuluyan paglilipat kay Navarro sa Taguig Jail.

NBI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with