^

Metro

400K COVID-19 booster shots kada araw, target ng DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
400K COVID-19 booster shots kada araw, target ng DOH
This undated photo from the National Task Force against COVID-19 shows a woman getting vaccinated against COVID-19.
National Task Force Against COVID-19

MANILA, Philippines — Tinaasan pa ng Department of Health (DOH) ang bilang ng planong ibibigay ng COVID-19 booster shot sa higit 400,000 kada araw makaraang mabigo ang PinasLakas campaign na maabot ang naunang target na bilang na mababakunahan bawat araw.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 384,000 booster shot lamang ang kanilang naabot mula sa target na 397,334 kada araw.

Higit sa 397,000 ang kinakailangan na mabakunahan ng booster kada araw para maabot ang tinutumbok nila na 23.8 milyon pagsapit ng Oktubre 8.

Sinabi pa ni Vergeire na nasa 17,000 senior citizens din lang ang kanilang nababakunahan bawat araw.

Dahil sa naghahabol na sa oras, itinaas na nila ang target ngayon sa 443,892 kada araw para maabot ang 23.8 milyon.

Nasa kabuuang 15,468 vaccination sites ang itinayo ng DOH sa buong bansa para sa PinasLakas campaign na nag-umpisa nitong Agosto 4.

Kasama dito ang 5,484 mobile vaccination sites, 2,814 vaxx sites sa mga paaralan, 1,458 sa mga lugar ng trabaho, 529 sa mga pook-sambahan, 335 sa mga palengke, at 281 sa transport terminals.

Dagdag pa dito ang mga vaccination sites sa mga ospital, health care centers at shopping malls.

Nitong Agosto 5, nasa 71.8 milyong Pilipino na ang “fully vaccinated”.  Kasama dito ang nasa 13.9 milyong adolescent at mga bata bilang preparasyon sa pagbabalik sa “face-to-face classes”.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with