^

Metro

Flood control project ng MMDA nakumpleto na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natapos na ngayong taon ang kabuuang proyekto sa flood control ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na una nang binanggit ng Commission on Audit (COA) na naantala noong 2021.

Ipinaliwanag ni Engineer Baltazar Melgar, pinuno ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO), at kasalukuyang officer-in-charge ng MMDA, ang naka-program na 59 flood control projects sa Metro Manila para sa 2021 ay hindi natapos dahil sa pandemya at iba pang kadahilanan gaya ng mga isyu sa right-of-way; relokasyon ng mga pamilyang informal settler; pagbabago sa pagkakasunud-sunod dahil sa karagdagang mga item/realignment ng mga aktibidad batay sa kasalukuyang sitwasyon/kondisyon sa site sa pagpapatupad; at mga paghihigpit sa mobility ng manggagawa at kagamitan na dala ng pandemya.

Tiniyak ni Melgar na ­‘operational and serviceable’ na ngayong taon na unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon.

Ngayong tag-ulan na, ang lahat na 77 pumping stations ng ahesnya sa Metro Manila ay gumagana sa full capacity, aniya pa.

Gayundin, ang flood-mi­tigation activities para sa declogging at paglilinis ng daluyan ng tubig tulad ng mga estero at sapa na buong taon ginagawa.

vuukle comment

COA

FLOOD

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with