^

Metro

Higit 24K katao nabiyayaan ng Pangkabuhayan Quezon City program

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Higit 24K katao nabiyayaan ng Pangkabuhayan Quezon City program
Quezon City Mayor Joy Belmonte speaks at an event where she gives aways bicycles and helmets at District 5 in the city on Nov. 5, 2021.
QC Gov't/Released

MANILA, Philippines — Umaabot sa 24,497 residente ng Quezon City ang nabiyayaan sa Pangkabuhayang QC program na pinangangasiwaan ng Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO) na siyang sumusuri sa mga nais mapabilang sa programa, lalo na ang mga naapektuhan ang kabuhayan ng dahil sa pandemiyang dulot ng Covid-19 virus.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, kabilang sa prayoridad ng programa ang mga nawalan ng trabaho, tulad ng mga micro-entrepreneur, overseas Filipino workers, unemployed solo parents, at mga persons with disability o PWDs.

Dagdag pa ni ­Belmonte, ang halaga ng financial assistance ay nagmumula sa P10,000 hanggang P20,000 bilang panimulang puhunan ng mga beneficiaries, upang makaahon sa kahirapang naranasan dahil sa pandemiya at depende  sa kanilang isinumiteng business proposal.

Aniya, ang kabuuang halaga, na naipamahagi ng kanyang lokal na pamahalaan ay umabot na sa P254,735,000.

Sinikap din ng SBCDPO na makatuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagrerehistro ng mga negosyo ng mga be­neficiaries. San Miguel Corporation at Cebuana Lhuiller naman para sa business insurances at ang GCash para sa online at contactless banking o pagbabayad.

Samantala, inanunsiyo na rin ni Belmonte na 3,600 kababaihan naman ang tatanggap pa ng “Tindahan ni Ate Joy” ngayong buwan ng Marso.

Nasa P10,000 ang halaga ng mga paninda ang ibibigay sa mga benepisyaryo ng programang ito.

vuukle comment

FINANCIAL ASSISTANCE

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with