^

Metro

5-araw na bakunahan sa PITX, arangkada na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
5-araw na bakunahan sa PITX, arangkada na
Nagdulot ng mahabang pila ng mga sasakyan sa may Quirino Grandstand matapos na buksan nitong weekends ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang kanilang mga vaccination sites upang mabigyan ng akomodasyon ang mga indibiduwal na gustong magpabakuna laban sa COVID-19.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Aarangkada na ­simula ngayong Lunes, Enero 24, ang limang araw na mobile CO­VID-19 vaccination drive na isasagawa ng Department of Transportation (DOTr) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa mga pasahero at mga transport workers.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang naturang vaccination drive ay isasagawa mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Magtatagal ito sa loob ng limang araw o hanggang sa Enero 28, 2022, Biyernes.

Sinabi ni Tugade na ang programa na tinatawag na “We Vax as One: Mobile Vaccination Drive,” ay naglalayong magbigay ng AstraZe­neca vaccine brand bilang first, second, o booster doses.

Aniya, bibigyang prayoridad sa programa ang mga tatanggap ng booster shots at target nilang makapagbigay ng 500 bakuna kada araw.

Pinapayuhan ng DOTr ang mga nais magpabakuna na magtungo sa Gate 4 sa ikalawang palapag ng PITX. Tatanggap din ng walk-ins sa vaccination drive, at magkakaroon ng registration sa lugar.

vuukle comment

PITX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with