^

Metro

2 bagets tumakas sa checkpoint, sumemplang: 1 patay, 1 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 bagets tumakas sa checkpoint, sumemplang: 1 patay, 1 sugatan
Isang 15-anyos na binatilyo ang nasawi sa insidente, habang sugatan naman ang kanyang angkas at barkada na si John Mark Portillo, 19, kapwa residente ng Brgy. Tatalon, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang teenager habang sugatan ang kanyang kabarkada matapos na maaksidente ang kanilang sinasakyang motorsiklo habang tumatakas sa isang Comelec checkpoint sa Brgy. Lourdes, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Isang 15-anyos na binatilyo ang nasawi sa insidente, habang sugatan naman ang kanyang angkas at barkada na si John Mark Portillo, 19, kapwa residente ng Brgy. Tatalon, Quezon City.

Batay sa ulat ng La Loma Police Station 1 (PS-1) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-7:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa Banawe St., kanto ng Calamba St., sa Brgy. Lourdes, Quezon City.

Nauna rito, nagtayo ng Comelec checkpoint ang mga awtoridad sa naturang lugar kasunod nang umiiral na gun ban sa bansa dahil na rin sa nalalapit na panahon ng halalan sa Mayo 9.

Habang nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ sa lugar, tinangka umano ng mga pulis na parahin ang asul na Kawasaki HD3 na walang plaka, na minamaneho ni Barnachea, angkas si Portillo, matapos na mapunang walang suot na helmet ang mga ito.

Sa halip namang huminto sa checkpoint, tinangka ng mga teenager na tumakas at humarurot patungo sa direksiyon ng D. Tuazon.

Dito na napilitan ang mga pulis na habulin ang mga teenager.

Nang makitang hinahabol sila ng mga pulis, bumunot pa umano ng isang kalibre .38 pistola si Portillo, ngunit nabitiwan ito at tumilapon sa gilid ng kalsada.

Nakaabot pa umano ang habulan sa C-3, Brgy. 125, Caloocan, kung saan sumemplang ang motorsiklo matapos na tumama sa gutter, na nag­resulta sa pagkamatay ni Barnachea at pagtatamo ng minor injuries ni Portillo.

Sa pulisya, mariin namang pinabulaanan ni Portillo na may dala siyang baril, na malaunan ay narekober din ng mga awtoridad.

Si Portillo ay nasa kustodiya na ng mga pulis at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code (Disobedience in a Person with Authority) at RA 10591 (Illegal possession of firearms and ammunition) in relation to Omnibus Election Code (gun ban) sa piskalya.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with