Rollback sa petrolyo, ipinatupad

MANILA, Philippines — Muling nagpatupad ng tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga higante at independent players sa ikatlong pagkakataon ng magkakasunod na linggo.
Ang Chevron Philippines ay magpapatupad ng bawas na P0.85 sa kada litro ng gasolina, P1.20 sa kada litro ng diesel at P1.30 kada litro ng kerosene.
Sa parehong presyo rin ang naging tapyas ng Petron Corporation at Pilipinas Shell subalit magsisimula ang pagpapairal ng mas murang presyo alas-6:01 ng umaga ng Martes.
Ang Independent oil companies na PTT Philippines, Total Philippines, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, Seaoil at Unioil Philippines ay nag-anunsyo naman ng parehong price rollback sa gasolina at diesel alas-6:00 din ng umaga, habang alas 8:01 ng umaga na paiiralin ang katulad na pagbawas ng presyo ng Clean fuel.
Ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng naging galawan sa pandaigdigang merkado.
- Latest


















