_ngayon
^
âBakuna Nightsâ sa Quezon City, dinadagsa
Ang mga essential workers sa ilalim ng A4 priority na dumadag-sa sa inilunsad ng Quezon City ‘ProtekTODO Bakuna Nights’ program. Layon ng programa na mabakunahan ang mga manggagawa na hindi nakakabisita sa mga vaccination sites sa umaga dahil sa kanilang trabaho.
Miguel De Guzman

‘Bakuna Nights’ sa Quezon City, dinadagsa

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit sa 1,000 mga essential workers at mga residenteng walang time sa araw ang nabakunahan hanggang kamakalawa ng gabi sa lungsod Quezon.

Ang programa na tina­wag na ‘Bakuna Nights’ ay sinimulan kamakalawa ng gabi at magtatagal hanggang Sabado ng gabi ay para sa mga manggagawa na walang oras magpabakuna sa araw.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, dahil maraming nagpapabakuna sa gabi, itutuloy na nila ito upang mas marami pang maturukan sa lugsod.

Anya kung makikitang higit na mas marami ang magpapabakuna sa gabi, ieextend nila ito ng ilan pang mga araw.

Ilan sa mga night shift workers na nabakunahan gabi ng Miyerkules ay mga empleyado ng bangko, mga guro, mga empleyado ng fastfood chain at iba pang mga empleyado na panggabi ang trabaho.

Ang kanilang mga kom-panya ang nagpaparehistro sa QC health Department Task force Vaxx to Normal kaya’t agad silang nairere-histro bago ang pagbabakuna sa kanila.

Una rito, may 21,385 doses ng bakuna kontra COVID-19 virus  ang naiturok kahapon ng Quezon City Health Department sa mga residente ng Quezon City matapos ang matagumpay na maramihang pagbabakuna sa A1, A2, A3 at A4 priority list sa isang araw lamang.

Pinakamalaking bilang na naturukan kahapon ay ang mga nasa A4 priority list o mga essential workers.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with