^

Metro

Parañaque at Pasay balik COVID-19 high-risk

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling inilagay ng Department of Health (DOH) sa ‘high-risk classification’ ang mga lungsod ng Parañaque at Pasay dahil sa malaking pagtaas sa mga bagong kaso ng COVID-19 at mataas din na ‘average daily attack rate (ADAR)’.

Sinabi ni DOH Epide­miology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman  na tatlong siyudad ang nakitaan ng positibong growth rate ng mga bagong kaso mula Mayo 30 hanggang Hunyo 12: ang Parañaque (2% growth rate), Pasay (19%) at Malabon (30%).

Sa kabila na pinakamataas ang Malabon, naitala naman ang ADAR ng Parañaque City sa 9.09 kaso kada 100,000 populasyon na higit na mataas sa hangganan na 7 cases per 100,000.  Naitala rin ang ‘intensive care unit (ICU) utilization’ ng siyudad sa 62.5%.

Sa Pasay City naman, nasa safe zone ang utilization rate ng mga pagamutan at ICU ngunit nasa high risk ca­tegory sila sa kanilang ADAR na 8.65 kaso kada 100,000 populasyon.

Natukoy rin na nasa ‘critical risk’ ang ICU utilization sa mga lungsod ng San Juan (100%), Makati (72.4%), Las Pinas (90%) at Muntinlupa (70.4%).

“Ito’y senyales na kailangang dagdagan ang ating detection, testing, at i-review kung gaano ka-efficient ang contact tracing at isolation natin,” panawagan pa ni De Guzman.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with