^

Metro

Quezon City fire: Mag-utol patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang government employee at kanyang kapatid na person with disability (PWD), matapos na makulong at ma-suffocate sa nasusunog na lumang residential building sa Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Juanita Ramo, 58, empleyado ng National Housing Authority (NHA), at kanyang kuya na si Salvestre Ramo, 63, na naka-wheelchair, at kap­wa residente ng BLPC Teacher’s Building, na matatagpuan sa Brgy. Bagong Pagasa, QC.

Nakatira umano ang magkapatid sa ikalimang palapag ng nasunog na gusali, kaya’t nahirapan silang makababa nang sumiklab ang sunog mula sa ikaapat na palapag ng naturang residential building, na pagmamay-ari ng isang Rogelio Quintero.

Batay sa ulat ni Bureau of Fire Protection (BFP) Quezon City District Director Senior Superintendent Joe Bangyod, dakong alas-8:00 ng gabi nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikaapat na palapag ng residential building, sa Brgy. Bagong Pagasa, kung saan nanunuluyan ang mga biktima.

Dahil nagsimula umano ang sunog sa ikaapat na palapag, na sinasabing maraming nakatambak na papel at mga gulong, ay umakyat ang makapal at maitim na usok nito sa unit ng mga biktima na nasa ikalimang palapag, na nagresulta sa pagka-suffocate at malaunan ay pagkamatay ng magkapatid.

Sinasabing isang nag-overheat na aircon ang pinagmulan ng sunog, ngunit masusi pa itong iniimbestigahan ng mga awtoridad.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumagal lamang ng isang oras bago tuluyang naapula ng mga bumbero, pasado alas-9:00 ng gabi.

May limang pamilya naman ang tinatayang nawalan ng tahanan dahil sa sunog at ngayon ay pansamantala na munang nakikitira sa kanilang mga kaanak.Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P50,000 ang halaga ng mga ari-arian na napinsala dahil sa sunog.

vuukle comment

FIRE

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with