Video ng mga babaeng empleyado ng LTO, nag-viral
Paliwanag nito, ang gina­wa ng mga empleyado ng LTO ay paglahok lamang sa social media na sinasalihan ng iba’t ibang grupo at indibidwal kabilang na ang mga guro, artista, mga taga-Bureau of Fire Protection, Department of Education at maraming iba pa.
Philstar.com/Irish Lising, file
Video ng mga babaeng empleyado ng LTO, nag-viral
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2020 - 12:00am

Mensaheng masakit magmulta kaya magtino sa kalsada dinaan sa sayaw

MANILA, Philippines  — Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan nagsasayaw ang ilang mga babaeng kawani ng Land Transportation Office (LTO).

Sa nasabing video na sinabayan ng isang awitin, ipinararating nila sa publiko ang mga ipinagbabawal sa lansangan kaya kinagiliwan ito ng mga netizens.

Ayon sa comment sa facebook ng isang E.M. Camarillo tinanong kung ang mga sumasayaw ba  ang manghuhuli, habang sabi naman ni Toledo Ferry, “love it.”

Sa comment naman ni  Roseanne Baniqued, “ay tlga nmang ginalingan, sana lang tlga sa mga motorista jan, doble ingat po tlga para maiwasan po aksidente.”

Si Romulo Diaz Jr. na nag-comment din ang sabi naman, “sana wala ng hanggang 4th offense sana on the spot palang multa agad ng malaki para talagang magtanda at madisiplina, na observe ko lang mga drivers at motorist d2 sa NCR.”

Habang pabiro  namang sabi ni Transport Assistant Secretary for Communication Goddes Hope Libiran na isa sa nagpost ng video,na “Masama lang loob ko, guys, kasi hindi nila ko sinama sa sayaw. IT REALLY HURTS!”

Nilinaw naman ni Libiran na hindi ito “official campaign video” ng ahensya.

Sa katunayan ay hindi ito naka-post sa official media platforms ng LTO o kaya naman ay ng Department of Transportation.

Sabi ni Libiran, “The act was not initiated by the agency, but was made voluntarily by a group of well-meaning women who wanted to help promote the campaigns of their agency.”

Paliwanag nito, ang gina­wa ng mga empleyado ng LTO ay paglahok lamang sa social media na sinasalihan ng iba’t ibang grupo at indibidwal kabilang na ang mga guro, artista, mga taga-Bureau of Fire Protection, Department of Education at maraming iba pa.

Sa huli, ang malinaw    umano na mensahe ng nasabing video ay “It Really Hurts Na Magmulta, Kaya Magtino Ka Sa Kalsada.”

LTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with