^

Mister itinumba sa loob ng bahay

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang 40-anyos na mister na hinihinalang sangkot sa transaksyon ng iligal na droga makaraang pa­sukin at pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang salarin sa loob ng kaniyang bahay sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Jose Dennis Dazer, , garbage collector, ng  Bldg. 2 Aroma Compound, Brgy. 105, Tondo.

Sa ulat ng Raxabago Police Station 1, naganap ang pamamaril dakong alas-4 ng hapon sa loob ng bahay ng biktima.  Ayon sa partner ng biktima na si Marilyn, 52, nagulat na lamang sila nang puwersahang buksan ang pinto ng kanilang bahay at walang sabi-sabing pinagbabaril si Dazar ng dalawang lalaki.

Sa pagsusuri ng pulisya sa cellular phone ng biktima, nakita dito ang palitan ng text messages ukol sa transaksyon sa iligal na droga.  Kasalukuyang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang laman ng telepono upang makilala at madakip ang mga suspek na nasa likod ng krimen.

POLICE STATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with