^

Metro

Mga bus papayagang bumiyahe sa GCQ

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga bus papayagang bumiyahe sa GCQ
“Under GCQ, ang buses papayagan na rin ‘yan pero 50% capacity at mayroon dapat provisions diyan ng minimum health standards,” ani Año, sa panayam sa telebisyon. “’Yung mga upu­an niyan ay hindi talaga dapat uupuan lahat, may alternately... nasa kanan ‘yung una, ‘yung susunod nasa kaliwa and so on and so forth”
Russell Palma, file

MANILA, Philippines — Papayagan na ng pamahalaan na bumiyahe ang mga pampasaherong bus sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ngunit nilinaw na kinakailangang sumunod pa rin ang mga ito sa ipinatutupad na panuntunan ng pamahalaan, kabilang na ang pagsasakay lamang ng 50% ng kanilang passenger capacity upang matiyak na maoobserbahan ang physical distancing.

Dapat din aniyang may probisyon ng minimum health standards.

“Under GCQ, ang buses papayagan na rin ‘yan pero 50% capacity at mayroon dapat provisions diyan ng minimum health standards,” ani Año, sa panayam sa telebisyon.  “’Yung mga upu­an niyan ay hindi talaga dapat uupuan lahat, may alternately... nasa kanan ‘yung una, ‘yung susunod nasa kaliwa and so on and so forth”. Dagdag pa ni Ano

Dapat din aniyang magpatupad ang mga bus terminals ng “log-in” system sa mga pasahero para sa posibleng contact tracing measures.

Pagdating naman aniya sa mga pampasaherong jeepney, maaaring payagang bumiyahe ang traditional jeepneys kung na-reconfi­gured na ang kanilang mga upuan at kung aprubado ito ng Department of Transportation (DOTr).

Paliwanag ni Año, ang problema sa traditional jeepney ay magkakalapit at magkakaharap ang mga pasahero at kapag dumaan ang pasahero ay talagang halos ‘face-to-face’ na rin ang distansiya nila.

“So one way is to reconfigure the seats and have it approved by DOTr and proba­bly it’s time na siguro na magmodernize jeepney na tayo,” paliwanag pa ni Año.

Sinabi naman ni Año na maaari pa rin namang gamitin ang mga jeep bilang delivery vehicles.

Related video:

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with