^

Metro

COVID-19 recoveries sa Quezon City, lumobo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumobo ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 sa lungsod Quezon .

Ito ay makaraang makapagtala ang QC Health Department ng 110 new recove­ries o may kabuuan na ngayong 576 pas­yente ang gumaling sa COVID. 

Nakapagtala naman ang QC ng 1,832 CO­VID-19 cases at 14 pas­yente ang nasawi sa sakit o may kabuuang 161 na ang namatay sa virus.

Habang ang ibang lugar ay nasa modified enhanced community quarantine, patuloy namang nasa ilalim ng extreme enhanced community quarantine dahil sa may higit sa tatlong kaso ng COVID ang marami pang barangay sa lungsod.

May 412 test na ang naisagawa ng tatlong QC run hospitals sa Novaliches district Hospital, Rosario Maclang Bautista General Hospital,SB park Novaliches, Asian Institute of tourism at QC Health department.

Ang mga nakatira naman sa mga lugar na nasa modified ECQ sa QC ay pinapayuhang sundin ang mga naitakdang localized protocols tulad ng  palagiang pagsusuot pa rin ng  mask at ipairal ang social distancing oras na lumabas ng tahanan dala ang kanilang quarantine pass.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with