Kamakalawa ay pumirma si Moreno ng kanyang kontrata sa kompanyang Novuhair. Dalawang mil­yon ang kontrata niya rito na ibibigay niya para sa lalawigan ng Batangas
Isko Moreno Domagoso FB Page
Isko dinonate ang P4 milyong talent fee
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibabahagi na lamang ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng Bulkang Taal ang kanyang talent fee na aabot sa P4 milyon.

Kamakalawa ay pumirma si Moreno ng kanyang kontrata sa kompanyang Novuhair. Dalawang mil­yon ang kontrata niya rito na ibibigay niya  para sa lalawigan ng Batangas.

Nabatid na ang P2 milyon pa na mula naman sa KJA Food Summit Corporation ay inilaan naman ni Moreno sa mga biktima ng Taal.

Ayon kay Moreno, marami pang kailangan ang mga taga-Batangas lalo na at hindi maikakaila ang lawak na dulot ng pagsabog ng bulkan at  ashfall sa mga kabahayan, pananim at hayop.

Sa huling abiso ng Phivolcs, nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.

TALENT FEE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with