^

Metro

Traslacion mas mabilis, maayos at payapa

Doris Franche, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Traslacion mas mabilis, maayos at payapa
Sinikap ng mga tauhan ng pulisya at militar na pigilan ang mga deboto na makapasok sa loob ng Andas wall sa isinagawang Traslacion kahapon.
Kuha ni Edd Gumban

Mahigit 2 milyong deboto dumagsa

MANILA, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon ay napabilis ang pagtatapos ng tradisyunal na Traslacion ng Itim na  Nazareno na maagang nakabalik sa Quiapo Church kahapon.

Tinatayang mahigit sa 2 mil­yong mga deboto ang dumag­sa sa tradisyunal na Traslacion 2020.

Sa kabuuan sinasabing naging maayos at mapayapa ang Traslacion  dahil na rin sa iba’t ibang kadahilanan at pagbabago na ipinatupad sa nasabing aktibidad.

Kabilang nga rito ang tambak na security personnel na nasa mahigit 16,000 unipormadong miyembro ng Philippine National Police (PNP) at karagdagang sundalo na idineploy, maagang sinimulan ang  prusisyon sa planadong sistema.

Sa halip na alas-5:30 ng madaling araw ang pagtulak ng prusisyon, maagang idinaos ang morning prayer sa halip na alas-5:00 ng madaling araw ay ginawang alas-4:00 at alas 4:16 ng madaling araw pa lamang ay sinimulan nang umusad ito, na ikinalito rin ng ibang mga deboto dahil mas maaga sa nakasanayang schedule.

 Una rito, pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang vigil mass na hiniling sa kanyang homily ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Middle East at panalangin na humupa ang panganib ng karahasan.

Nasunod naman ang plano na idaan sa bago at pinaikling ruta ang prusisyon kaya’t sa halip na sa Jones Bridge ay idinaan ito sa Ayala Boulevard.

 Ngayon lamang din nangyari na nagkaroon ng Andas wall ng mga pulis kaya hindi nakalapit sa unahan ng Andas ang mga nais sumampa at pagsapit pa sa Carlos Palanca St., bandang alas-8:00 ng umaga nang kumalas na sa pagmamando ang mga pulis at ipinaubaya na sa mga hijos at deboto.

 Kahit maraming natuwa sa maayos na seguridad at mas mabilis na pag-usad, mayroon din nainis dahil sa bigong makalapit sa Andas habang ang iba naman ay nasaktan dahil sa sapatos umano ng mga pulis at nagkaroon din ng pagtutulakan dahil sa pagpupumilit ng mga deboto na makalapit sa gilid at unahan ng karosa.

Ayon naman kay Fr. Douglas badong, vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene, nanibago lamang ang mga deboto sa mas mahigpit na pagbabantay ng mga pulis dahil hindi sila sanay na may nagkokontrol sa paglapit sa Andas.

Gayunman, hindi naman aniya, ipinagdadamot sa mga deboto ang Poong Nazareno at hindi rin sila pinagbabawalan ng mga pulis kundi sa bandang likod na lamang at huwag sa unahan.

 Pasado alas- 4:00 nang isagawa ang tradisyunal na ‘Dungaw’ o iakyat sa balkonahe ang imahe ng Our Lady of Mt. Carmel  para madungaw ang paghihirap ng Black Nazarene na nagkaroon pa ng maikling saremonya ng misa.

 Ito’y malayo sa oras noong mga nakalipas na Traslacion na hatinggabi na nang maisagawa ang ‘Dungaw’.

 Naging kakaiba rin dahil nakalapit sa Mt. Carmel Parish ang Karosa ng Itim na Nazareno dahil walang siksikan bunsod ng maagang naabisuhan ang mga may-ari ng mga replika at istandarte na huwag nang dumaan sa San Sebastian o Our Lady of Mt. Carmel Parish sa Plaza Del Carmen at pinadiretso na sa Bilibid Viejo at doon maghintay.

 Mahigit libong deboto at mga pulis ang nasugatan dahil sa pagpupumilit na makalapit sa Andas

Sa kabuuan, sinabi ng Philippine National Police na naging mapayapa ang isinagawang Traslacion 2020.

vuukle comment

TRASLACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with