_ngayon
^
10-day old baby, patay sa unan
Ayon sa salaysay ng ina, iniwan niya ang kanyang anak sa kuwarto upang bumili ng gatas nito subalit sa kanyang pagbalik ay nakita niyang natatakpan ng unan ang mukha ng sanggol.
STAR/File

10-day old baby, patay sa unan

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Isang 10-day old baby girl ang nasawi makaraang hindi makahinga nang madaganan ng unan sa mukha habang natutulog sa kanilang tahanan sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang sawing-palad na si “Baby Jane” ay  anak ni Dana Kathrene, na residente ng No. 20-T A Bonifacio Ave., Brgy. San Jose Del Monte, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PMSgt. Roldan Cornejo ng CIDU-QCPD, ang insidente ay naganap dakong alas-6:00 ng gabi sa loob ng silid sa nasabing tahanan ng baby girl.

Ayon sa salaysay ng ina, iniwan niya ang kanyang anak sa kuwarto upang bumili ng gatas nito subalit sa kanyang pagbalik ay nakita niyang natatakpan ng unan ang mukha ng sanggol.

Agad na inalis ng ina ang unan sa mukha ng subalit nagulantang na lamang siya dahil nangingitim na ang bata at hindi na humihinga.

Mabilis namang isinugod sa Chinese General Hospital ang sanggol pero idineklara itong dead-on-arrival.

Ayon sa pulisya, ayaw na ng mga magulang ng sanggol na paimbestigahan pa ang nangyari at iginiit na aksidente lang ang pagkakatabon sa unan sa mukha ng kanilang anak.

BABY PATAY BATA NADAGANAN NG UNAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with