^

Metro

Naburyong na mister, nang-hostage ng estudyante

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga ope­ratiba ng pulisya ang isang 18-anyos na estudyanteng babae matapos itong i-hostage sa loob ng isang oras ng isang naburyong na mister na umano’y bangag sa droga sa Quezon City , kahapon.

Kinilala ang nasakoteng suspect na si Marlon Kilkig, 29, ng Brgy. Bagbag, Novaliches sa lungsod Quezon.

Bandang alas-8:30 ng umaga nang mangyari ang pangho-hostage sa biktimang nakilalang si  Jochelle Respondo, 18  sa tinitirhan nito sa Moses Street , Goodwill Homes , Brgy. Bagbag ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa imbestigas­yon,  kasalukuyang abala ang biktima sa kanilang tindahan ng bigla na lamang pumasok ang suspect na armado ng patalim saka tinutukan ng patalim sa leeg at hinostage.

Nabatid na dumaranas ng matinding depres­yon ang suspect sanhi ng problema sa pamilya nito kaya hinostage ang naturang estudyante.

Matapos ang nego­sasyon ay napahinuhod din ang hostage taker na palayain nang ligtas ang bihag na nagtamo ng bahagyang sugat sa kaniyang leeg bunga ng insidente.

Kasalukuyan nang nakapiit sa detention cell ng pulisya ang suspect na nahaharap sa attempted homicide, trespass to dwellings at alarm and scandal.

vuukle comment

HOSTAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with