Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at MMDA General manager Jojo Garcia ang pagpapasara sa terminal ng Baliwag Transit sa North EDSA dahil sa paglabag sa City Ordinance.
Kuha ni Boy Santos
Bus terminal, pinasara ni Mayor Joy
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Personal na pinangu- na­han ni Quezon City  Ma­yor Joy Belmonte ang pagpapasara sa bus depot ng Baliwag Management Corporation sa North Ave­nue kasama ang mga opisyales ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ka­hapon.

Ang pagpapasara ayon pa kay Mayor Belmonte ay sa dahilang  ginagamit  ng naturang bus terminal ng Baliwag   ang pasilidad nang walang kaukulang permit at paglabag   sa QC Revenue Code partikular na ang kawalan ng Special Use Permit mula sa Business Permit and Licensing Department ng QC Hall at walang traffic clearance mula sa Department of Public Order and Safety ng QC government.

“Itong garahe nila ay hindi puwedeng gamitin dahil walang permit, ang pinapakita lamang na dokumento dito ay yung locational clearance nila na permit ng  kanilang EDSA-E Rodriguez Terminal, so palusot nila yan,” pahayag  ni Belmonte.

Ang naturang garahe ay gamit na babaan at sa­kayan ng mga pasahero ng naturang bus company mula sa Norte.

Ilan anya sa kakahara-ping kaso ng may-ari ng Baliwag ay ang paglabag sa Zoning Ordinance, falsifi-cation of public documents at iba pa.

Kaugnay nito,  inatasan na rin ni Belmonte si BPLD head Margie Santos na suriin at tingnan ang lahat ng bus terminals sa lungsod para matiyak na ang lahat ng ganitong negosyo ay may sapat na dokumento para magpatuloy ng ope­rasyon.

Sinabi rin nito na handa ring ipatawag ang may-ari ng Baliwag Management Corporation na si Joselito Tengco upang hingan ng paliwanag kung bakit ginawa ang paglabag sa local ordinance.

BUS TERMINAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with