^

Metro

5 health care facilities, pinasinayaan ni Isko

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

Birthday Wish natupad

MANILA,Philippines — Kaalinsabay sa kanyang ika-45 taong kaarawan, pinasinayaan  ni Manila Mayor Isko Moreno  ang limang health care facilities na magbibigay ng  kaginhawahan sa mga pasyente sa lungsod. Kasama si dating  Manila Mayor Alfredo Lim, binuksan ni Moreno ang bagong dialysis center na Flora V. Villaroman de Siojo Dialysis Center na ipinangalan sa lola ng dating alkalde. 

Ang nasabing dialysis center ay nasa tabi ng Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical  Center  na pinamumunuan ni  Dr. Teodoro Martin.

Nabatid kay Moreno, bukod sa 91 dialysis machine, apat na bagong sasakyan  din ang ibinigay sa GABMMC na siyang magsusundo at maghahatid  sa mga pasyente sa kanilang bahay hanggang GABMMC. Sunod namang binuksan ni Moreno ang TB Dots, Hemodialysis at Blood Bank Center sa Ospital ng Maynila at Manila Health Vaccine Room sa Alvarez St. Sta Cruz, Manila.

Sinabi ni Moreno na mahalagang upgraded ang mga health care facility upang mas mabigyan ng maayos na  pangangalaga at treatment ang mga pasyente. Samantala, na­ging matagumpay din ang panawagan ni Moreno sa taga-Maynila na maglinis ng kanilang bahay at tapat na regalo ng Manilenyo sa kanyang kaarawan. Nabatid na nagsagawa ng clean-up drive ang mga pulis at emple­yado ng  city hall gayundin ang flushing operations ng mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bahagi ng Recto at Divisoria.

vuukle comment

ISKO MORENO

YORME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with