^

Metro

‘Gun-for-hire’ todas sa barilan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Todas ang isang sinasabing ‘gun-for-hire’ nang makipagpalitan ng putok sa mga otoridad  na rumes­ponde sa sumbong ng isang ba­bae ng pangongotong sa kanya, kamakalawa ng umaga sa Malabon City.

Ang suspek na ‘di na uma­bot pang buhay sa pagamutan ay si Richard Delos Reyes, alyas “Taguro/Mata”, nasa hustong gulang, obrero at nakatira sa Damata Compound, Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod.

Nabatid na ang na­paslang ay nakatala na drug user sa illegal drug watchlist sa lungsod at may dating kasong murder bilang isang hired killer ngunit na-dismiss ng korte.

Sa ulat, alas-10:30 ng umaga nang rumesponde ang mga tauhan ng Malabon City Police sa sumbong ni Josefina Nual, 45, at mister niyang si Ramir Nual, ng pagbabanta sa kanila at pangongotong ng suspek.

Nang dumating sa bahay ng suspek ang mga pulis sa may M. Aquino St., sa Brgy. Niugan, bumunot umano ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ang mga ala­gad ng batas at tinamaan ng bala si Delos Reyes.

Isinugod pa rin ng mga pulis sa Ospital ng Malabon ang suspek ngunit hindi na umabot nang buhay.

Narekober sa suspek ang isang kalibre 38 baril na may lima pang bala.

Natuklasan din sa kanyang wallet ang limang ma­liit na plastic sachet ng shabu.

vuukle comment

GUN-FOR-HIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with