^

Metro

Amo, sinaksak ng helper na tinanggal sa trabaho

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinaksak ng isang truck helper ang kanyang dating amo matapos siyang tanggalin sa trabaho sa Brgy. Concepcion Uno, Marikina City, kamakalawa ng hapon.

Nakatakas ang suspek na nakilala lang na si Dennis Espino, habang sugatan at nilalapatan na ng lunas sa Saint Vincent Hospital ang kanyang dating among si George Monteverde, 37, residente ng naturang barangay.

Batay sa ulat ng Marikina City Police, dakong alas-5:15 ng hapon nang maganap ang krimen, sa Saint Jude St., Saint Claire 3, Brgy. Concepcion Uno.

Kasalukuyan umanong nakaupo ang biktima sa driver’s seat ng kanilang delivery truck, na nakaparada sa naturang lugar, nang bigla na lang dumating si Espino, at kaagad siyang tinarakan sa likod bago tumakas.

Ayon sa pulisya, paghihiganti ang posibleng dahilan ng pananaksak ng suspek sa biktima. Dati umanong nagtatrabaho sa biktima ang suspect na tinanggal dahil sa hindi magandang performance nito sa trabaho.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek para ikulong at kasuhan sa piskalya.

vuukle comment

CRIME

STABBING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with