Itinuturo ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga nag­kalat na ‘ebak’ sa Bonifacio Shrine matapos ang ginawa niyang inspeksyon dito kahapon.
Edd Gumban
PCP commander sibak, dahil sa ‘ebak’
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2019 - 12:00am

Nagkalat sa Bonifacio Shrine, Mayor Isko nakaapak

MANILA, Philippines — Dahil sa nagkalat na dumi ng tao sa paligid ng Bonifacio Shrine, pinasibak ni Manila Mayor Isko Moreno kay MPD Di­rector­ P/Brig General Vicente Danao ang PCP Commander ng Lawton na siyang nakakasakop dito.

Nabatid na unang nagsagawa ng inspeksyon si Moreno sa mga karinderya sa likod ng monumento at inutos ang paggiba. 

Sunod namang pinuntahan ni Moreno ang buong paligid ng Monumento ni Bonifacio kahapon ng umaga kung saan minalas pa siyang nakatapak ng ebak. 

Sinabi ni Moreno na ito na ang pinakamalaking banyo na kanyang nakita dahil ginawa ng kubeta ang Bonifacio Shrine kung saan may 100 tumpok ng dumi ng tao ang nagkalat.

Bunsod nito, agad tinawagan ni Moreno si Danao para sa  agarang pagsibak sa puwesto kay P/Lt.Rowel Robles na siyang PCP commander sa Lawton.

Idinagdag pa nito na masyado nang binaboy at sinalaula  ng mga palaboy ang lugar maging ang tanggapan ng Alkalde ng Maynila dahil 50 hakbang lamang ang layo nito.

Mabilis namang binombahan ng tubig at sinanitize ang paligid ng Shrine.

Pinaaaresto rin ni Domagoso ang sinumang magtatambay sa lugar dahil sa ginagawang pambababoy at pagkakalat.

BONIFACIO SHRINE ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with