^

Metro

Mister nag-amok: Utol, 1 pa patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mister nag-amok: Utol, 1 pa patay

MANILA, Philippines — Napatay nang nag-amok na mister ang kan­yang ka-patid na US citizens, gayundin ang therapist na babae, habang sugatan naman ang kanyang stay-in nurse, matapos silang pagbabarilin habang nanonood ng telebisyon sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Little Baguio, San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga na-sawi na sina  Catalino Ba­ñez, 76, isang US citizen, at ang kanyang therapist na si Ma. Teresa Antiquera,   habang sugatan naman ang stay-in nurse na si Rhea Antonio, 33.

Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspek na si Roberto Bañez, 59, nakababatang kapatid ni Catalino na nakipagba-rilan pa sa mga pulis.

Ayon kay P/Col. Ariel Fulo, hepe ng San Juan City police, dakong alas-8:30 ng gabi ay nanonood lamang ng telebisyon ang mga biktima sa loob ng tahanan ni Catalino  sa  Barasoain St., Brgy. Little Baguio, nang bigla na lang pumasok si Roberto.

Sa ‘di pa batid na kada­hilanan ay bigla na lang umanong nagbunot ng baril ang suspek at kaagad na pinagbabaril ang mga biktima.

Dead-on-the-spot si Catalino, habang naisugod pa sa Cardinal Santos Medical Center si Antiquera ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

Kahit naman nasugatan din matapos na tamaan ng bala sa paa ay nagawa ni Antonio na makatakas at makahingi ng tulong.

Kaagad namang ru­mes­ponde ang mga awtoridad ngunit sa halip na sumuko ang suspek, ay nakipagpalitan pa ito ng putok sa mga pulis.

Kinailangan pa ng mga awtoridad na hagisan ng tear gas ang suspek bago ito tuluyang naaresto.

Sa imbestigasyon ng pu­isya, mainit ang ulo ng suspek nang dumating sa bahay at basta na lamang namaril.

Natukoy din na ito ang ikalawang ulit na nag-amok ang suspek dahil noong 2014 ay may isang driver ang binaril nito, ngunit hindi nakulong dahil hindi nagkaso ang pamilya ng biktima.

Sinasabing gumagamit rin umano ng illegal na dro­­ga ang suspek at isang drug surrenderee.

Narekober ng mga pulis mula sa suspek ang mga party drugs, isang 12 gauge shotgun, isang .45 caliber pistol at isang kalibre .22 revolver.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa San Juan police detention cell at nahaharap sa dalawang bilang na kasong murder    at frustrated murder.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with