Nasa larawan ang van na niratrat ng ‘di pa natutukoy na armadong riding-in-tandem na ikinasawi ng isang negosyante at driver nito sa naganap na ambush sa EDSA-Reliance St., sa Mandaluyong City, kahapon ng hapon.
Joven Cagande
Ambush sa EDSA: 2 patay
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyante at driver nito habang sugatan ang kasama nilang babae nang ambusin ng hindi pa nakikilalalang riding-in-tandem habang sakay ng isang van sa Mandaluyong City kahapon ng hapon.

Dead-on-arrival sa sa VRP Hospital sina Jose Ruiz Yulo, 62, negosyante, ng Alabang, Muntinlupa City at kanyang driver na si Nomer “Allan” Santos, 51, habang patuloy na nilalapatan ng lunas ang kasama nilang babae na si Esmeralda Ignacio, 38, ng Las Piñas City dahil din sa mga tama ng bala.

Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong alas- 3:08 ng hapon nang maganap ang krimen sa southbound lane ng EDSA, kanto ng Reliance St. sa Mandaluyong.

Lulan umano ng isang puting Toyota Hi Ace na may plakang NOS-361 ang mga biktima at binabagtas ang lugar nang bigla na lang itong tabihan ng mga suspek na lulan ng isang motorsiklo.

Walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng mga suspek ang behikulo ng mga biktima, gamit ang ‘di pa tukoy na kalibre ng baril.

Nang matiyak na tinamaan ang mga target ay mabilis nang tumakas ang mga suspek.

Naisugod naman sa pagamutan ang mga biktima upang malunasan ngunit idineklarang patay sina Yulo at Santos.

Blangko pa ang mga otoridad sa motibo ng pamamaslang at kung sino ang may kagagawan nito ngunit tiniyak na masusi na nila itong inimbestigahan.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with