^

Metro

200 pamilya sa Caloocan tumanggap ng tig-10K livelihood assistance

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
200 pamilya sa Caloocan tumanggap  ng tig-10K livelihood assistance

MANILA, Philippines — Namudmod ng tig-P10,000 si Mayor Oscar Malapitan sa  may 200 pinakamahihirap na pamilya sa lungsod upang makatulong umano sa kanilang antas ng kanilang pamumuhay.

Sinabi ni Malapitan na nasa 200 mga piling pamilya na nasa ilalim ng progra­mang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang benepisaryo ng kanilang “livelihood assistance”.

Aabot sa P2 milyon ang nailabas na pondo ng Pamahalaang Lungsod para sa naturang programa.

Umaasa naman si Malapitan na gagamitin ng wasto ng mga benepisaryo ang pera tulad ng pagpapaaral sa kanilang mga anak o pagtatayo ng kahit maliit na negosyo para mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Imo-monitor naman ng Department of Social Welfare and Development at ng Caloocan City Social Welfare and Development ang mga benepisaryong pamilya kung paano nila gagamitin ang pera.

vuukle comment

OSCAR MALAPITAN

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with