^

Metro

Joel Cruz nagantso ng P40-M: Trader sa Brunei kinasuhan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsampa kahapon ng kasong estafa sa Quezon City prosecutor’s si Joel Cruz, o Jose­lito Cruz sa tunay na bu­hay, isang pamosong negosyanteng naging kilala sa bansag na “Lord of Scents”, laban sa isa ring negosyante na nakabase sa Brunei.

Kasama ni Cruz si Atty. Ferdinand Topacio, ang kanyang abogado na nag­hain ng reklamo sa piskal-ya ng Quezon City dakong ala-1:00 ng tanghali.

Ang inireklamo ay si Kathelyn dela Cruz Dupaya, alyas Kathy Dupaya.

Ayon kay Cruz, nakilala niya si Dupaya noong Agosto 2016 sa debut ng panganay nitong si Madelyn. Namangha daw siya sa luho ng nasa-bing party, kung saan di lang nag-uumapaw ang pagkain at inumin kundi literal na naghahagis ng salaping ipinamimigay   sa mga bisita.

Sinabi kay Cruz ni Dupaya na siya ay isang ma-tagumpay na negosyante sa Brunei kung saan siya ay may napakalawak na mga negosyo at malakas pa siya diumano sa Bru-nei Royal Family.

Dinala pa ni Dupaya si Cruz, sampu ng mga anak at alalay nito, sa Brunei upang ipasyal na gastos lahat ni Dupaya. Ibinida rin ni Dupaya na itinampok ang kanyang “rags-to-riches” sa isang pro­grama sa telebisyon.

Dahil dito, naenggan-yo si Cruz nang alukin siya ni Dupaya na “mag-invest” sa mga negosyo nito. Ang masaklap pa dito, ani Cruz, nangutang pa siya sa iba’t ibang tao upang maibigay kay Dupaya ang hinihingi nitong salapi na umaabot sa P40 milyon.

Laking gulat at sakit ng kalooban ni Cruz nang hindi nakatupad si Dupaya sa kanyang mga pangako na ibabalik ang pera na may tubo matapos ang ilang buwan. Lalong na-bad trip si Cruz nang malaman niyang ang mga ipinagmayabang na malalaking negosyo ni Dupaya sa Brunei ay wala naman kundi maliliit na mga parlor at bakery lamang na hindi naglaon ay nalugi rin at nagsara na. Dinedma na rin daw ni Dupaya ang lahat ng letters of demand na ipinadala ng kanyang abogado.

vuukle comment

QUEZON CITY PROSECUTOR’S SI JOEL CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with