^

Metro

Shootout: ‘Tulak’ todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang pinaghihinalaang notoryus na ‘tulak’ ng droga matapos na manlaban sa mga operatiba ng pulisya habang 17 pa ang nasakote kamakalawa ng gabi at nitong Sabado ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel ang nasawing suspek na si Leo Gunayan, alyas Boy Muslim, 25, kilalang ‘tulak’ ng droga  sa Brgy. Payatas at iba pang kalapit lugar sa lungsod.

Alas-4 ng madaling araw, ayon kay Esquivel  nang makipag-deal ang poseur buyer ng pulis  kay Gunayan na bibili ng  P2,000 halaga ng shabu.

Gayunman, habang isinasagawa ang transaksyon ay nakatunog ang suspect sa presensya ng mga pulis na nakapalibot sa lugar kaya’t agad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga operatiba na nauwi sa shootout na kumitil sa buhay nito.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang isang cal. 38 revolver na may lamang dalawang bala, limang sachet ng shabu, isang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at buy bust money.

Samantala sa serye naman ng anti-drug operations ng anti-drug operatives ng Quezon City Police, 17 pang drug personality ang nasakote.

Inihayag ni Esquivel na aabot naman sa  20 sachet ng shabu ang nakumpiska sa serye ng anti-drug operation at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with