^

Metro

Job fair sa Maynila, idaraos sa Labor Day

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Job fair sa Maynila, idaraos sa Labor Day
Hundreds of job seekers line up at employer booths at a mall in Antipolo on March 4, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Magdaraos ang Manila City Government ng job fair para sa mga manggagawa, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day sa Mayo 1.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang naturang “2024 Labor Day Job Fair” ay isasagawa nila mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon sa San Andres Sports Complex sa Malate.

Inaasahan aniya nilang aabot sa 65 local emplo­yers ang lalahok sa nasabing job fair na mag-aalok ng hanggang 9,000 job vacancies para sa mga job seekers.

Bukod pa aniya ito sa gagawing “KADIWA ng Pangulo”, TESDA Skills Demonstration at pagtatayo ng isang one-stop-shop para matulungan ang mga prospective jobseekers sa kanilang kinakailangang dokumento, kabilang dito ang SSS, Pag-Ibig, PhilHealth, BIR, Manila Police District, NBI, OWWA, DTI at PSA.

Sinabi ng alkalde na ang job fair ay isasagawa sa pamamagitan ng kanilang Public Employment Service Office (PESO), na pinamumunuan ni Fernan Bermejo, sa kooperasyon ng Department of Labor and Employment - National Capital Region (DOLE-NCR).

Samantala, pinayuhan ni Bermejo ang mga aplikante na magdala ng hanggang 10 kopya ng kanilang resume o biodata, sariling ballpen at inuming tubig at pamaymay upang protektahan ang kanilang sarili laban sa init.

vuukle comment

MANILA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with