Binata dinedo dahil sa kulang na sukli
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang service crew ng isang restaurant ang pinagsasaksak hanggang sa ma-patay matapos na umano’y mangupit ng sukli nang   utusan ito na  bumili ng alak sa Quezon City, kamaka-lawa ng gabi.

Ang biktima ay kinila-lang si Melvin Florentino Estose, 23, binata, nakatira sa San Luis St., Brgy. Gulod, Novaliches, QC.

Agad namang tumakas ang suspek na nakilalang si Narciso Sotomayor Pepito Jr., 29, binata at re­sidente ng  Nazario St., Brgy. Gulod, dala ang patalim na ginamit sa krimen.

Sa imbestigasyon ni    PO2 Julius P. Raz, nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-1:15 ng gabi  sa tahanan ng suspek.

Batay sa pahayag ni Arnel Tuazon, nag-iinuman umano sila ng biktima at ng suspek sa loob ng bahay ng huli nang magtalo ang da-lawa makaraang mabilang ni Pepito na kulang ang ibinigay sa kanyang sukli ni Estose na inutusan nito na bumili ng alak.

Sa gitna nang mainitang pagtatalo ay dinampot ng suspek ang patalim at sinaksak sa likuran ang biktima na tumayo na at lalayasan na sana ang galit na galit na suspek.

Mabilis namang naisugod sa hospital ang biktima pero agad ding binawian ng buhay dahil sa matindi at malalalim na saksak na kanyang tinamo sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Pinaghahanap pa ng pu­lisya ang nakatakas na sus-pek upang panagutin sa krimeng nagawa.

-PATAY SERVICE CREW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with