^

Metro

Drug den ni-raid: 9 arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siyam na mga hinihinalang dawit  sa iligal na droga ang nadakip ng mga tauhan ng Navotas City Police sa muling pagsalakay nila sa notoryus na lungga ng mga sindikato ng shabu, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nadakip na sina Alberto Morales, 23;  at Dennis Pepaño, 31; Jessie Grafe, 39; Judy Ann Lachica, 19; Marivic Ramirez, 42; Albert Villareal, 33; Jamel Mama, 29; Arnel Cantel, 29; at Romel Esgana, 41.

Sa ulat, sinalakay ng mga tauhan ng Navotas City Police Station Drug Enforcement Unit ang Market 3 sa Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) na kilalang kuta ng mga ‘tulak’ at bagsakan ng iligal na droga sa lungsod.

Pinasok ng mga pulis ang ilang barung-barong na nagresulta sa pagkakadakip sa siyam na mga suspek at pagkakakumpiska sa 10 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, dalawang plastic sachet na nabuksan na, at mga drug paraphernalia.

Nakaditine ngayon ang mga suspek sa Navotas City Police Detention Center at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ILIGAL NA DROGA

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with