^

Metro

5 bus terminal, isinara ng MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinasara kahapon ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) ang limang  bus company terminals dahil sa paglabag sa nose-in,  nose-out policy at iba pang violation.

Ang closure operation ay  pinangunahan ni MMDA Chairman Danilo Lim, na isinagawa alas-3:30 ng hapon.

Ang mga bus company na ipinasara  ang kanilang  mga terminal ay  ang DLTB Co, Lucena Lines Inc., 2 terminal ng Raymond Bus, na mata­tagpuan sa Southbond EDSA sa Cubao, Quezon City at Superlines, na matatagpuan naman sa Northbound.

Ayon kay MMDA Operation Supervisor Bong Nebrija, noong nakaraang taon ay ipinasara na aniya ang nasabing mga bus terminals dahil hindi sila nakapag-comply sa mga itinakdang requirements ng MMDA.

Tulad ng  terminal permit,  paglabag sa nose-in,  nose-out policy at iba pang violation.

Subalit, nakiusap aniya ang naturang mga kompanya, na muli silang payagang makapag-operate sa pangakong susunod sa itinakdang terminal requirements ng ahensiya.

Sinabi pa na Nebrija, na binigyan pa nila ng panahon para makapagsumite ng requirements ang mga bus company subalit ang tumugon lamang aniya ay ang  Genesis Bus Terminal.

Nang muli nilang balikan ang naturang mga bus terminal ay hindi pa rin  tumutugon ang mga ito sa itinakdang requirements ng MMDA kaya kahapon ay tuluyan na itong ipinasara.

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVELOP­MENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with