^

Metro

3 sugatan sa road mishap

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo-katao ang nasugatan makaraang salpukin ng SUV ang kasalubong na kot­se sa bisinidad ng Bukaneg Street sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Kaagad na isinugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima na sina JT Medilo, 22; Princess Fabroa,14, habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng isa pang biktima.

Sa ulat ng Pasay City Traffic Bureau, naganap ang insidente pasado alauna ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Nabatid na galing sa parking  lot ang puting Chevrolet Trailblazer (RCB 72) nang biglang tumawid ito sa center island kaya nasalpok nito  ang  punungkahoy.

Gayundin, nasalpok ng SUV ang kasalubong na itim na Toyota Vios (POC-322) na kapwa nakasakay naman dito ang mga biktimang sina Medilo at Fabroa.

Binangga pa ng SUV ang harang ng mga halaman at sumampa sa gutter hanggang sa nabangga rin nito ang tumatawid na pedestrian na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Sa hindi nabatid na dahilan ay pansamantalang itinago ang pagkakakilanlan ng driver ng SUV na nasa custody ngayon ng pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with