^

Metro

2 pulis tiklo sa pagpapaputok ng baril

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang dinakip ng kanilang mga kasamahan matapos magpaputok ng kanilanh mga baril nitong Kapaskuhan.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) deputy spokesperson Supt. Chai Madrid na kakasuhan skna Police Officer 1 Arnold Gabriel Sabili ng Rodriguez Police sa Rizal at PO1 Marbin Jay Pagulayan ng Malate Police Station sa Maynila.

Pinaputok umano ni Sabili ang kaniyang service firearm nitong bisperas ng Pasko sa Barangay Santolan, Pasig City.

Kaagad rumesponde ang mga kawani ng Pasig City precinct 7 sa reklaml na natanggap nila na nagresulta sa pagkakadakip ni Sabili.

Pinaputok naman ni Pagulayan ang kaniyang baril upang awatin ang mga kaibigang nag-aaway sa Tondo, Manila nitong Pasko.

Nangatwiran si Pagulayan sa presinto ng Raxabago sa Manila Police District na pinaputok lamang niya ang baril upang malihis ang atensyon ng dalawang nagtatalo sa inuman.

Sa kabuuan ay pitong katao na ang naaresto dahil sa illegal discharge of guns, kabilang sjna Sabili at Pagulayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with