^

Metro

Diplomatic vehicle nagliyab

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasunog ang isang sasakyan na pag-aari ng emba­hada ng Indonesia, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Sa report ng Makati City Bureau of Fire Protection, alas-9:30 ng gabi nang masunog ang isang kulay itim na Mercedes Benz na may plakang 1457.

Nabatid kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Enforcer Cesar Detera, kasalukuyan minama­neho ng driver ang nasabing diplomat vehicle na si Lesmana Indra, Assistant Defense Attache ng Indonesian Embassy dito sa Pilipinas.

Bigla na lamang umusok sa bandang ilalim sa unahang bahagi ng nasabing sasakyan.

Sinabi ng driver na si Indra, patungo siya sa EDSA-Ortigas para sunduin nito ang kanyang amo nang makaamoy siya na parang nasusunog na gulong.     

Bigla na lamang aniyang umu­sok ang ilalim ng kotse, dahilan upang huminto ito  at agad na lumabas ng sasakyan.

Paglabas ni Indra ay dito na nagliyab ang naturang sasakyan.

Sinubukan pa aniya ng enforcer na si Detera na gamitan ng fire extinguisher ang kotse pero hindi nito kinaya at agad na lumaki ang apoy.

Mabilis namang nakapag­responde ang mga kagawad ng pamatay-sunog na kung saan sunog na sunog ang nasabing sasakyan.

Bandang alas-10:00 ng gabi nang tuluyan maapula ang apoy ng mga bumbero.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang dahilan nang  pagliyab ng naturang diplomat vehicle.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with