^

Metro

2-day coding hindi pa ipapatupad -- MMDA

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
2-day coding hindi pa ipapatupad -- MMDA

Ang halos malaking parking sa kahabaan ng EDSA at ilan pang pangunahing lansangan sa Metro Manila dahil sa matinding trapik ang sinasabing dahilan kung kaya pinag-aaralan na ipatupad ang expanded number coding­ o ang dalawa o tatlong araw na coding sa mga motorista na ayon naman sa MMDA ay wala pang katiyakan dahil nangangailangan pa ito ng masusi at mahabang pag-aaral. Boy Santos

Maraming pag-aaral pa ang kailangan

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Me­tropolitan Manila Deve­lop­ment Authority (MMDA) na wala pang katiyakan kung ipapatupad ang ex­pan­ded number coding scheme sa kabila ng high volume ng mga sasakyan ang nasa lansangan ng Me­tro Manila.

Magkagayunman, agad na itong inalmahan ng mga transport group na PISTON at Pasang Masda, dahil ang maapektuhan aniya nito ay ang mga driver na namamasada, na dapat aniya huwag isali sa mga ganitong programa.

Sa halip aniya magpa­tupad ng mga programang­ para masolusyunan ang ma­bigat na trapik, ang da­pat aniya gawin ng MMDA ay mahigpit na ipa­tupad ang batas trapiko sa mga lansangan.

Ayon kay MMDA spokes­person na si Celine Pia­lago, na hindi dapat na ma­alarma ang mga motorista sa ba­litang implementasyon ng “expanded number coding scheme” o ang dalawang araw na number coding dahil marami pa aniyang pag-aaral ang gagawin dito ng MMDA bago ito ipatupad.

Kung saan kukunsulta­hin muna aniya sa naturang­ traffic scheme ang Metro Manila Council (MMC), na kinabibilangan ng mga Me­tro mayors, na siyang po­licy making body ng ahensya.

Magugunitang kamakalawa nabanggit ni MMDA Chairman Danny Lim na plano nilang gawing dala­wang araw ang number coding para mabawasan ang dami ng sasakyan sa lansangan na siya tala­gang ugat ng matinding trapik.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with