Dagdag pwersa, inilatag ng PNP
MANILA, Philippines - Dahil umpisa na ang pagdiriwang ng Ramadan, nagdagdag ng pwersa ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa lahat ng Muslim community sa Metro Manila.
Ito ay bilang bahagi aniya ng security contingency na pinatutupad ng hanay ng pulisya.
Nabatid, na hindi lamang sa mga matataong lugar tulad ng mga shopping malls at terminals, nagdagdag din ng pwersa ng kapulisan sa Muslim community.
Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, ang hakbangin ay bunsod sa pagdiriwang ng Ramadan upang sigurihin ang seguridad at kaligtasan ng mga lalahok dito.
Upang tiyakin din na huwag malusutan ng posibleng banta ng terorismo, na samantalahin ang naturang pagdiriwang ng mga grupong nais maghasik ng karahasan.
- Latest