^

Metro

Driver ng towing company, huli sa ‘kotong’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bagsak sa kulungan ang isang tsuper ng isang towing company makaraang madakip sa ikinasang entrapment operation ng Caloocan City Police nang hingan ng P8,000 ang kompanya nang hinatak na delivery van, kamakalawa sa naturang lungsod.

Nahaharap ngayon sa robbery extortion ang suspek na si Enric Louis Rechacho, 36, driver ng Iron Wing Tow Services, at naninirahan sa Brgy. Balon-Bato, Quirino Highway, Quezon City habang pinaghahanap pa ang   isa nitong kasama.

Sa ulat ng pulisya, binabagtas ng biktimang si Junel Duran, 41, tsuper ng The Meter King Inc., ang kahabaan ng Boni Serrano Street sakay ng kanilang company vehicle dakong alas-6:30 ng Miyerkules ng gabi nang biglang huminto ang makina malapit na sa EDSA.

Habang pilit na gina­gawan ng paraan para mapaandar ang sasak-yan, dumating ang isang tow truck na minamaneho ni Rechacho at ura-uradang binatak umano ang kanilang sasakyan kahit na tumanggi si Duran.

Dito umano nanghingi ng P8,000 si Rechacho kay Duran para maibalik sa kanila ang sasak-yan.  Base sa regulasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), P500 lang ang base fee ng mga nato-tow na sasakyan at mada­dagdagan ng P200 kada kilometro mula sa lugar kung saan ito nahatak hang-  gang sa impounding area.

Agad na isinuplong ng kompanyang Meter King Inc. na nirepresenta ni Ma. Luisa Ferrer ang insidente sa Caloocan City Police na nagkasa ng entrapment operation. Nagtangka pang pu­ma­lag si Rechacho nang dakpin siya ng mga pulis ma­ka­­­raang tanggapin ang P8,000 marked money buhat kay Duran.

vuukle comment

KOTONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with