Si Aldrin de Guzman na binaril at napatay ng riding in tandem na nakasuot ng maskara sa may Manggahan at Guyabano St., Karangalan Village sa Pasig City. Joven Cagande

2 bulagta sa tandem
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Dalawang katao ang magkasunod na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang  hindi pa nakikilalang riding-in tandem sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang unang biktima ay si Joven Bonaga, 27, binata, ng  Kati­mugan St., Karangalan Village, Brgy. Manggahan, Pasig City.

Dakong alas-11:00 ng gabi nang pagbabarilin ang biktima habang ito ay bumibili ng alak sa isang sari-sari store malapit sa kanilang tahanan.

Ayon sa report, kahit sugatan na ang biktima ay nakatakbo pa sa loob ng bahay pero sinundan pa rin ito ng mga suspek at muling­ pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Pagkatapos ng krimen ay agad na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo na walang plaka.

Aminado naman si Marlyn Sabares, stepsister ng biktima na dating gumagamit ng bawal na gamot si Joven pero matagal na umano itong tumigil at sumuko na rin sa ‘Oplan Tokhang’ ng pulisya.

Ilang minuto lang ang lumipas noong pagbabarilin din at ma­patay si Peter Cruz, 24, sa Guyabano St., Napico, Brgy. Mang­gahan, Pasig City.

Ayon sa pamilya ng biktima, habang nagbibisikleta si Peter sa Guyabano Street, nang lapitan siya ng riding-in-tandem saka walang sabi-sabing pagbabarilin sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sinasabing minsan ng nakulong si Peter dahil sa kasong ‘akyat­-bahay’ sa Brgy. Manggahan sa lungsod.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Pasig police para mabatid ang motibo ng krimen at madakip ang mga salarin ng dalawa. 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with