Ang PNP-HPG traffic enfor­cers ay ideneploy sa EDSA noong Setyembre 2015 sa ila­lim ng administrasyon ni da­ting Pangulong Noynoy Aquino upang resolbahin ang mala­lang problema sa trapiko sa 200 milyang highway na isa sa matinding suliranin ng pa­mahalaan.
MICHAEL VARCAS, file
PNP-HPG, ipu-pullout na sa EDSA
Lordeth Bonilla, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Simula sa darating na Lunes sa susunod na linggo, tatanggalin na sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Ave­nue (EDSA) ang daan-daang tauhan ng PNP-Highway Patrol Group na nangangasiwa sa daloy ng trapiko dito.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director P/Chief Supt. Antonio Gardiola.

Kasabay nito, nilinaw ni Gar­diola na hindi ‘total pullout’ ng kanilang mga traffic enforcers ang kanilang gagawin  kundi mag-iiwan pa rin sila ng mga supervisors at ilan pang tauhan mula sa mga ito na tutulong sa mga elemento ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensya sa ilalim ng Inter-Agency Council on Traffic (IACT ).

Ang PNP-HPG traffic enfor­cers ay ideneploy sa EDSA noong Setyembre 2015 sa ila­lim ng administrasyon ni da­ting Pangulong Noynoy Aquino upang resolbahin ang mala­lang problema sa trapiko sa 200 milyang highway na isa sa matinding suliranin ng pa­mahalaan.

Nasa 300 HPG personnels  na galing pa sa mga probinsya ang nagsilbing ‘augmentation forces’ sa pagmamando ng trapiko sa EDSA .

Ayon kay Gardiola, aasi­kasuhin naman nila ang iba pang lugar sa Metro Manila na dumaranas ng matinding suliranin sa buhol-buhol na trapiko.

“Kumpirmado po yun (pag­tatanggal ng HPG traffic enforcers), pero hindi naman po total pullout, aalisin natin kasi aasikasuhin rin ang iba pang sector sa Metro Manila para ma-train natin ang iba pang inter-agency”, ani Gardiola.

Matapos namang ibalik sa  MMDA ang pagmamantina ng daloy ng trapiko sa EDSA, nagtalaga pa ng 200 karag­dagang traffic enforcers dito ang ahensiya.

Ayon kay MMDA officer-in-charge Tim Orbos, ang ka­ragdagang bilang ng mga traffic enforcer ay itinalaga sa EDSA. Ito ay upang punuan ang kakulangan ng bilang ng  Philippine National Police High­way Patrol Group (PNP-HPG), na inilipat sa  ilan pang lugar ng Metro Manila, tulad ng C5 Road, Commonwealth Avenue at  Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAEx).

“Now that we are in-charge again, have a more active role on Edsa, I have told my men to show that we are worthy of such action”, ani Orbos.

HPG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with