^

Metro

Sputnik na ‘tulak’, utas sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng ‘‘Sput­nik Gang’’ na tulak umano ng iligal na droga ang napatay sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ng Manila Police District-Station 5 sa isinagawang buy-bust operation sa ilalim ng McArthur Bridge sa Ermita, Maynila, kahapon ng hapon.

Nakilala  lamang sa alyas na Jason Sputnik, tinatayang nasa 25-30 anyos, may taas na 5’0 hanggang 5’2, katamtaman ang pangangatawan, may mga tattoo na “TWO FACES OF DEATH” sa ka­nang dibdib habang “Holy Cross”    naman sa kanang kamay.

Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-3:50 ng mada-ling araw ng maganap ang insidente sa ilalim ng nabanggit na tulay, na bahagi ng Ermita Maynila.

Nagawang makabili umano ng  shabu ng poseur buyer  na tauhan ni P/Senior Insp. Dave Garcia ng MPD-Station 5 sa nasawi at sa puntong iyon ay nagbigay na siya ng signal sa mga kasamahang ope­ra­tiba ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Unit para arestuhin ang suspek subalit binunot nito ang nakatagong baril sa kaniyang suot na camouflage shorts at pinaputukan ang direksiyon ng mga pulis.

Hindi naman tumama sa mga pulis ang pamamaril ng suspek na nagantihan ng putok sa iba’t ibang parte ng katawan kabilang sa kaliwang dibdib at kaliwang torso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with